Ni Mary Ann Santiago

Tulad ng ipinangako ng Department of Transportation (DOTr), unti-unti nang dumarami ang bilang ng mga bumibiyaheng tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa abiso ng DOTr, nasa 10 tren ang bumiyahe sa pagbubukas ng MRT-3, dakong 4:58 ng madaling araw kahapon. Bagamat pagsapit ng 6:00 ng umaga, ay nabawasan ito ng isa at naging siyam na lamang.

Gayunman, mas marami pa rin ang bilang ng mga tren kahapon kumpara sa anim hanggang walong tren lamang na napapabiyahe ng MRT-3 nitong mga nakaraang araw.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kamakailan ay dumating na sa bansa ang mga bagong piyesa ng mga tren na inangkat ng DOTr upang unti-unti na nilang maibalik sa riles ang lahat ng kanilang mga tren.