Ni Lyka Manalo

IBAAN, Batangas - Tinutugis ngayon ng pulisya ang isang lalaking umano’y nanunog ng bahay ng dati niyang kasintahan matapos hindi magustuhan ang pakikipag-break sa kanya nito, sa Ibaan, Batangas nitong Linggo.

Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:00 ng gabi nang sunugin ni Arnel Roallos ang isa sa mga kuwarto sa bahay na pag-aari ni Leticia Perez sa Barangay Coliat, Ibaan.

Si Roallos ay dati umanong kasintahan ng anak ni Perez.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Lumabas sa imbestigasyon na hindi umano nagustuhan ng suspek ang pakikipagkalas ng nobya kaya sinunog ang kuwarto nito.