Ni Lyka Manalo

TALISAY, Batangas — Patay na nang dinala sa pagamutan ang Grade 12 student matapos umanong magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Talisay noong Sabado.

Kinilala ang biktimang si Zoilo Pigar, 18, estudyante ng Tanauan School of Fisheries.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) dakong 4:15 ng hapon nang matagpuan ng kaniyang ina ang biktima na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kaagad dinala sa St. Andrew Hospital ang biktima subalit dead in arrival.

Tumanggi na ang pamilya ng biktima na isailalim pa ang bangkay sa awtopsiya, ayon sa report ng pulisya.