chung copy

MELBOURNE, Australia (AP) — Hindi lang K-Pop ang pambato ngayon ng South Korea. Meron na silang ipagmamalaking Grand Slam tennis star.

Patuloy ang pamamayagpag ng No.58-ranked Hyeon Chung nang gapiin si American Tenny Sandgren, 6-4, 7-6 (5), 6-3, nitong Miyerkules upang makausad sa Final Four ng men’s singles ng Australian Open .

Ngayon pa lamang, usap-usapan na sa tennis community si Chung na kauna-unahang Korean na makausad sa semifinals ng Grand Slam event at pinakamababang ranked player na makasampa sa Final Four sa Australian Open mula nang magawa ni Marat Safin noong 2004.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Matapos gulantagin sina No. 4 Alexander Zverev at 12-time major winner Novak Djokovic, posibleng sunod na makaharap ni Chung si defending champion Roger Federer para sa inaasam na final berth. Sumasabak si Federer kontra Tomas Berdych sa hiwalay na quarterfinals.

“In last game, I’m thinking to start what I had to do in ceremony or something like that,” pahayag ni Chung, patungkol sa pagkaantala ng kanyang panalo matapos masayang ang tatlong match points.

“After deuce, break point. Nothing to do with ceremony. Just keep focused.”

Tulad ni Chung, nakalista na rin sa kasaysayan ang No. 97-ranked na si Sandgren. Ang 26-anyos ay ngayon pa lamang nakatikim ng panalo sa Grand Slam event at nakapanalo sa top 10 player.

Sa kanyang pagusad sa quarterfinals, pinataob niya sina 2014 champion Stan Wawrinka at No. 5 Dominic Thiem.