Ni Bert de Guzman

SAPOL na sapol (hindi sapul na sapul) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagbigay sa kanyang administrasyon ng gradong “excellent” o +70 net public satisfaction rating (79% satisfied, 9% dissatisfied) sa huling tatlong buwan ng 2017. Ito na yata ang pinakamataas na performance rating ng mga naging pangulo ng bansa.

Samakatuwid, sa kabila ng kung anu-anong batikos, puna at paninira ng mga kritiko at kalaban niya sa pulitika, kabilang ang ilang international human rights groups, ang satisfaction rating ni PRRD ay maituturing na “record high”.

Kung tutuusin, ang pagsikad ng net public satisfaction ng Duterte admin ay 12 points na mas mataas at isang gradong pagtaas mula sa “very good” +58 net public satisfaction rating (71% satisfied, 13% dissatisfied) na nakuha ng PDu30 govt sa Setyembre 2017. Sana ay gamitin ang popularidad na ito ng pangulo para sa kabutihan, kagalingan at kapakanan ng 105 milyong Pinoy na hanggang ngayon ay naniniwala sa kanya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Haharangin ng Senado ang humaharurot na Con-Ass (Constituent Assembly) ng Kamara. Para naman sa liderato ng Mababang Kapulungan sa pamumuno ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, walang sino mang makapipigil sa kanilang “express train” tungo sa Charter Change (Cha-Cha) upang maging sistemang pederal ang gobyerno sa bansa.

Sabi nga ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko na kinatigan ni senior-jogger habang umiinom kami ng kape: “Kung ano ang gusto ni Mano Digong, tiyak yuko-ulong susunod ang kapulungan ni Speaker Bebot.” Determinado si Alvarez na pulungin ang Kamara bilang isang Con-Ass para magtrabaho at talakayin ang federal constitution kahit walang partisipasyon ang Senado.

Samantala, naniniwala ang mga senador, partikular sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sen. Kiko Pangilinan, pangulo ng Liberal Party, Sen. Panfilo Lacson, na hindi puwedeng mag-convene ang Kamara ng sarili lamang at magpasa ng mga amyenda sa Constitution. Kailangan nito ang Senado.

Sabi nga nila, kung ang mga panukalang lokal, gaya ng pagpapalit ng pangalan ng isang kalye o lugar, ay nangangailangan ng katapat na approval ng Senado, ito pang nakapakahalagang panukala na magsususog sa Konstitusyon ng Pilipinas.

Sabi nga ni Sen. Pangilinan ang ginagawang pagpuwersa ng Kamara para masusugan ang Saligang Batas tungo sa pederalismo nang wala ang Senado, ay “mag-iimbita ng galit ng taumbayan. “Why force it? It seems there are some who are bent on pursuing term extension. No railroading, no fast break, no bullet train”.