Arestado ang isang dating tauhan ng Philippine Army makaraang makuhanan umano siya ng mga pulis ng P50,000 halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Quezon City nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police Station (PS-6), ang nadakip na si Athoniette Gerobiese, 42, dating operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nauna rito, nakatanggap ang pulisya ng ulat tungkol sa pagbebenta umano ni Gerobiese ng droga sa kanilang lugar sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Matapos ang surveillance na nagberipika sa sumbong, ikinasa ng mga Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD) at PS-6, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust bandang 10:00 ng gabi sa Don Francisco Street sa Bgy. Old Balara.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nakumpiska umano mula sa dating sundalo ang limang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P50,000, at P500 marked money. - Alexandria Dennise San Juan