Ni Francis T. Wakefield

Nanumpa kahapon si dating Customs Chief at retired Marine Captain Nicanor E. Faeldon bilang Deputy Administrator for Operations ng Office of Civil Defense sa Office of the Secretary of National Defense sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana ang panunumpa at sinaksihan ng OCD officials, sa pangunguna nina Civil Defense Administrator Undersecretary Ricardo B. Jalad, Civil Defense Deputy Administrator for Administration Assistant Secreary Kristoffer James E. Purisima at ng iba pang officers ng departamento.

Hinikayat ni Lorenzana si Faeldon na magkaloob ng mga mungkahi na makatutulong sa pag-unlad ng OCD bilang nangungunang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) agency.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nagpahayag naman kumpiyansa si Jalad na makatutulong si Faeldon sa OCD sa pagsisikap na maserbisyohan ang mga Pilipino hinggil sa adbokasiya ng DRRM.

Sa kabilang dako, sinabi ni Purisima na panahon na para may maupong Deputy for Operations dahil napakahalaga ng operations services sa nagaganap na disaster operations para sa problema sa klima at sa Bulkang Mayon.

“I thank the Secretary Lorenzana, Usec. Jalad and Asec. Purisima for their support. OCD and our people at large can be assured that I will do my best to help OCD achieve its goals”, ani Faeldon.