Ni Jerome Lagunzad

Mga Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

9 a.m. — UST vs UPIS

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

11 a.m. — FEU vs UE

1 p.m. — DLSZ vs NU

3 p.m. — AdU vs Ateneo

ITATAYA ng Ateneo Blue Eaglets ang malinis na karta sa pakikipagtuos sa Adamson baby Falcons sa pagbabalik-aksiyon sa UAAP Season 80 juniors basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Tangan ang matikas na 8-0 karta, target ng Blue Eaglets na mahila ang dominasyon at makaulit sa Baby Falcons, na madali nilang ginapi, 82-62 nitong Nov. 11.

Sa kabila nito, ayaw magkumpiyansa ni Ateneo coach Joe Silva.

“Any team is capable of beating us if we play complacent. As much as possible, we want to be tested, especially during close games. But it depends on how we’re going to play and how our opponents are going to play us,” aniya.

Nakatakda ang laro ganap na 3:00 ng hapon.

Samantala, magkakaharap ang powerhouse National University at La Salle-Zobel sa 1:00 ng hapon. Magtutuos naman ang University of Santo at UPIS sa 9:00 ng umaga.

Haharapin naman ng defending champion Far Eastern University-Diliman, galing sa 86-81 kabiguan sa NU, ang University of the East Junior Warriors ganap na 11 ng umaga.