Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(FilOil Flying V Centre)

8:00 n.u. – LPU vs CSB (jrs)

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

9:30 n.u. -- LPU vs CSB (m)

11:00 n.u. . –- LPU vs CSB (w)

12:30 n.h. -- Perpetual vs San Beda (w)

2:00 n.h. -- Perpetual vs San Beda (m)

3:30 n.h. -- Perpetual vs San Beda (jrs)

Bakbakan sa liderato, tampok sa NCAA volley tilt.

PUNTIRYA ng College of St. Benilde, University of Perpetual Help, at San Beda College na makisosyo sa maagang liderato sa defending women’s champion Arellano University sa pagsabak ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Pupuntiryahin ng Lady Blazers, Lady Altas at Lady Red Spikers sa dalawang nakatakdang women’s matches na bahagi ng anim na larong nakahanay ngayong araw ang kani -kanilang ikalawang sunod na panalo upang makatabla ng Lady Chiefs sa liderato.

Makakasagupa ng Lady Blazers sa unang women’s match ang Lyceum of the Philippines University Lady Pirates ganap na 11:00 ng umaga matapos ang unang dalawang laro sa pagitan ng kanilang juniors at men’s squads ganap name 8:00 at 9:30 ng umaga ayon sa pagkakasunod.

Mag-uunahan namang makapagposte ng ikalawa nilang panalo ang Lady Altas at Lady Red Spikers sa kanilang pagtutuos ganap na 12:30 ng hapon na susundan ng sagupaan ng kanilang men’s (2 pm) at juniors teams (3:30 pm).

Paborito ang St. Benilde kontra Lyceum na napilayan ng husto sa pagkawala ng top hitter na si Cherilyn Sindayen dahil sa problema sa academics sa pangunguna ng mga beteranang hitters na sina Ranya Musa at Rachel Austero.

Manggagaling ang Lady Pirates sa straight sets na kabiguan sa kamay ng Lady Altas.

Sa nasabing panalo naman kukuha ng buwelo ang Perpetual na muling sasandig kina Lourdes Clemente at Cindy Imbo sa pagsagupa nila sa San Beda na pinataob sa loob ng limang sets ang nakatunggaling Jose Rizal University sa pangunguna nina Nieza Viray at Cheska Racraquin.

Inaasahan ding mapapalaban ng husto ang reigning men’s champion CSB Blazers at ang last season losing finalist UPHSD Altas sa kanilang pagpuntirya ng kani -kanilang ikalawang sunod na panalo para manatili sa pamumuno.