SYLVIA AT copy

Ni REGGEE BONOAN

BALIK-ALINDOG program si Sylvia Sanchez sa Ultra simula nitong Martes habang wala pa siyang taping ng seryeng Hanggang Saan.

Kailangan niyang magbawas ng timbang dahil 15 lbs ang nadagdag sa timbang niya nitong Holiday Season na wala siyang ginawa kundi kumain nang kumain.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“Eh, masarap kumain saka Pasko at Bagong Taon naman, babawiin ko na lang sa pagtakbo,” katwiran ni Ibyang nang dalawin namin sa bahay nila.

Hindi naman tumaba ang mukha ng aktres pero halatang lumusog talaga ang katawan.

Kaya kahit 9AM ang call time sa kanya sa Ultra ay nandoon na siya ng 5AM: “9am call time? No problem!! Time management, 5am Ultra, no excuses! Need to lose weight. Around this time solo ko ang ultra and I love it!!

#elmamurostraining #blainemedinastraining #actorslife #happyandcontent #career #beautedermambassadress #happiness #grateful #thankuLORD Happy morning!” ayon sa huling post niya.

Pero alalay ang pagtakbo ni Sylvia dahil baka sumpungin ulit siya ng asthma tulad ng nangyari sa kanya nitong Disyembre kaya ilang araw siyang nasa higaan.

“Ako ang maysakit na hindi pumayat, ha-ha-ha,” pabirong sabi ni Ibyang.

Sunud-sunod ulit ang projects ni Ibyang ngayong 2018 dahil habang umeere ang Hanggang Saan ay ipalalabas naman ang pelikulang Mama’s Girl nila ni Sofia Andres sa Enero 17 as opening salvo ng Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Connie Macatuno at sa panulat ni Gina Marissa Tagasa.

Bukod dito, may gagawing indie si Sylvia na entry sa 2018 Cinemalaya produced ng IdeaFirst.

“Sobrang blessed ako nu’ng 2017 at ngayong 2018 ang daming blessings na dumarating pati sa pamilya ko at sa mga anak ko na sina Arjo at Ria. Abangan mo ang next projects nila,” say ng aktres.

Sa rami ng blessings ni Ibyang ay wala na siyang maisip kung ano pa ang wish niya sa buhay nang tanungin namin.

“Ay, meron pala, gusto kong matuto kung paano maglagay ng kilay, hindi kasi ako marunong. Marunong na akong

magplantsa ng buhok ngayon kaya bumili na ako ng pangplantsa. Minsan kasi may biglaang lakad kami, wala akong taga-ayos ng buhok at taga-make up, kaya napipilitan akong ako na lang lahat. Kaya itong paglalagay ng kilay ang gusto kong matutunan,” natawa pero seryosong sabi ng aktres.

Nakakaloka, ang wish ng aktres, sabagay ganito talaga ang problema ng mayayaman o tinatawag na sossy problem.

Pinasasalamatan din ni Sylvia ang lahat ng sumusuporta ng serye nilang Hanggang Saan kasama si Arjo at sina Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Ces Quesada, Yves Flores, Nanding Josef, Arnold Reyes, Rommel Padilla, Sue Ramirez at marami pang iba mula sa GMO Unit.