Kevin Belingon (ONE Championship photo)
Kevin Belingon (ONE Championship photo)
KASAMA si Kevin Belingon sa Top 5 fighters ng One Championship para sa taong 2017.

Tangan ni Belingon ang 3-0 marka sa pagtatapos ng season, tampok ang knockout victory kontra sa kababayang si Reece McLaren nitong Agosoto gayundin ang dominanteng panalo kay Kevin Chung nitong Nobyembre.

Tinanghal namang ‘Martial Artist of the Year’ si Australian-Vietnamese fighter Martin Nguyen.

Ginulantang ni Nguyen ang local crowd sa Mall of Asia Arena nang agawan ng korona si Pinoy fighter Eduard Folayang sa kanilang One lightweight championship.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauna rito, nakamit ni Nguyen ang featherweight division nang gapiin si Marat Gafurov. Kapwa nakuha niya ang panalo via knockout.

Nasa ikalawang puwesto si Alex Silva kasunod sina Aung La N Sang at Christian Lee at Jomary Torres na nagwagi kay Rika Ishige. - PNA