Samantha Stosur (Patrick HAMILTON / AFP)
Samantha Stosur (Patrick HAMILTON / AFP)

BRISBANE, Australia (AP) — Nasibak si Australian Samantha Stosur sa unang torneo sa bagong taon nang mabigo kay 7th seed Anastasija Sevastova sa Brisbane International nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Matikas na nakihamok ang dating US Open champion at French open finalist, ngunit tuluyan siyang nadomina ng karibal tungo sa 6-1, 6-3 desisyon.

Nabigo rin si French world No. 8 Caroline Garcia sa kababayang si Alize Cornet, 6-3-6-3. Sunod na makakaharap ni Cornet si Mirjana Lucic-Baroni sa second round, nagwagi kay Tatjana Maria ng Germany, 6-4, 4-6, 6-0.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinibak ni Serbian Aleksandra Krunic si Carinna Witthhoeft ng Germany 7-5, 7-6 (2) para maisaayos ang duwelo sa second round kay Spanish top seed Garbine Murguruza.

Sa men’s draw, ginapi ni Alexandr Dolgopolov ng Ukraine si sixth seed Diego Schwartzman ng Argentina 6-4, 7-6 (3).