GERONA, Tarlac – Sugatan ang apat na katao sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa kalsada ng Barangay Pinasling sa Gerona, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Danilo Sabado, 52, may asawa, driver ng Honda CX motorized tricycle; Shermie Sabado, 16; at Shiela Marie Sabado, pawang ng Bgy. Tagumbao, Gerona; at Julius Cadiente, 24, driver ng Rusi 115 motorcycle ng nasabi ring barangay.

Dakong 5:00 ng hapon at pakanluran ang tricycle nang mabundol ito sa likuran ng motorsiklong minamaneho ni Cadiente. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog