While New York Knicks' Kristaps Porzingis, left, watches as Philadelphia 76ers' Ben Simmons goes up for a dunk during the second half of the NBA basketball game, Monday, Dec. 25, 2017, in New York. The 76ers defeated the Knicks 105-98. (AP Photo/Seth Wenig)
While New York Knicks' Kristaps Porzingis, left, watches as Philadelphia 76ers' Ben Simmons goes up for a dunk during the second half of the NBA basketball game, Monday, Dec. 25, 2017, in New York. The 76ers defeated the Knicks 105-98. (AP Photo/Seth Wenig)

Warriors, sinalanta ang Cavs; Lakers, nginata ng Wolves.

OAKLAND, California (AP) — NBA scoring champion sa apat na pagkakataon si Kevin Durant. Sa kampo ng Golden States, pinatunayan niyang maasahan din siya sa depensa.

Nabutata ni Durant ang driving lay-up ni LeBron James sa krusyal na sandali para tuldukan ang makapigil-hiningang 99-92 panalo ng Warriors sa Cleveland Cavaliers sa Araw ng Pasko nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Oracle Center.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Naisalpak ni Klay Thompson ang go-ahead three-pointer may 1:33 ang nalalabi, bago umeksena ang depensa ni Durant para pigilan ang posibleng pagbangon ng Cavaliers sa rematch ng nakalipas na NBA Finals sa nakalipas na tatlong season.

“There’s just so much joy in the arena today because it’s Christmas and we all feed off of that,” pahayag ni Durant, patungkol sa depensang ibinakod kay James may 24.5 segundo sa laro.

Hataw si Durant sa naiskor na 25 puntos, pitong rebounds at limang blocked shots.

“He’s one of the leaders in shot blocks a game and obviously he had five tonight, so he’s been doing a heck of a job of first of all taking the individual matchup and protecting the rim, too,” sambit ni James.

Nanguna si Kevin Love sa Cavs sa nakubrang 31 puntos at season-best 18 rebounds, habang nagsalansan si James ng 20 puntos, anim na rebounds at anim na assists .

Kumubra si Thompson ng 24 puntos, habang tumipa si Draymond Green ng 12 puntos, 12 rebounds at 11 assists para sa ika-12 panalo sa nakalipas na 13 laro ng Warriors. Naputol ang 11-game winning streak ng Golden State’s nang mabigo sa Denver Nuggets nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nakatakda ang muling paghaharap ng magkaribal sa Enero 15 sa Cleveland.

WOLVES 121, LAKERS 104

Sa Los Angeles, ginapi ng Minnesota Timberwolves, sa pangunguna nina Jimmy Butler na may 23 puntos at Karl-Anthony Towns na kumana ng 21 puntos at 10 rebounds, ang Lakers.

Ratsada ang dating Southern California standout Taj Gibson sa nahugot na 23 puntos at siyam na rebounds para sa ikaapat na sunod na panalo ng Timberwolves. Nag-ambag si Jamal Crawford ng 19 puntos.

Nanguna sa Lakers si rookie Kyle Kuzma na may 31 puntos.

Sumabak ang Los Angeles na wala sina starter Brandon Ingram and Lonzo Ball na kapwa na-sideline bunsod ng injuries.

Nabitiwan ng Timberwolves ang double digit na bentahe matapos magbaba ang Lakers ng 22-13 sa second period para maisara ang iskor na 53-52 sa halftime.

THUNDER 112, ROCKETS 107

Sa Oklahoma City, nahila ng Thunder ang losing skid ng Houston Rockets sa tatlo.

Nagsalansan si Paul George ng 24 puntos at kumana si Carmelo Anthony ng 20 puntos para sa ikalimang sunod na panalo ng Oklahoma City, nagtala ang mababang 54.4 percent sa field.

Nanguna si James Harden sa Rockets na may 29 puntos, ngunit malamya ang kanyang field goals sa 7-of-18.

Tumipa sina Trevor Ariza at Eric Gordon ng tig-20 puntos, habang humirit I Clint Capela ng 19 puntos at 10 rebounds para sa ikatlong sunod na kabiguan nh Houston.

WIZARDS 111, CELTS 103

Sa Boston, sumagitsit ang opensa nina Badley Beal na may 25 puntos at John Wall na may 21 puntos at 14 assists para sandigan ang Washington Wizards kontra sa Celtics.

Humirit din si Otto Porter Jr. ng 20 puntos at kumana si Kelly Oubre Jr. ng 16 puntos.

Nasungkit ng Eastern Conference-leading Boston ang ikatlong kabiguan sa huling apat na laro. Nanguna sa Celts sina Kyrie Irving at Jayson Tatum na may tig-20 puntos, habang umiskor si Terry Rozier had 16.

Sa ibang laro, tinuldukan ng Philadelphia ang five-game losing streak nang gapiin ang Brooklyn Nets, 1-5-98.