PINATULOG sa loob lamang ng 37 segundo ni one-time world title challenger Genesis Servania ng Pilipinas si Kittiwat Sirichitchayakun kamakalawang gabi sa Sangyo Hall, Kanazawa, Japan.

Matatandaang si Servania ang kauna-unahang nagpabagsak kay WBO featherweight champion Oscar Valdez ng Mexico sa 4th round ng kanilang sagupaan noong nakaraang Setyembre 22 sa Tucson, California pero natalo siya sa 12-round unanimous decision.

“Genesis Servania fought for the first time since his competitive loss to WBO featherweight titleholder Oscar Valdez, stopping Kittiwat Sirichitchayakun on Sunday, December 17 at Sangyo Hall in Kanazawa, Japan,” ayon sa ulat ng Rappler.com.

Napatulog ni Servania ang Thai rookie boxer sa matinding sikwat sa bodega kaya napaganda ang kanyang rekord sa 30 panalo, 1 talo na may 13 knockouts.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dating No. 4 si Servania bago labanan si Valdez pero bigla siyang naglaho sa WBO rankings kaya inaasahang muli siyang ililista para sa buwan ng Disyembre samantalang nakatala siyang No. 15 contender kay WBC featherweight champion Gary Russel Jr. ng United States. - Gilbert Espeña