CAPAS, Tarlac – Limang katao ang nasugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa highway ng Barangay Aranguren, Capas, Tarlac, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga nasugatang sina Arturo Tumanan, 23, driver ng Honda TMX 155 motorized tricycle; Ian Miclat, 21; at Alvin Tumanan, 21, pawang residente ng Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Sugatan din si S/Sgt. Ronald Pascasio Diaz, 35, driver ng Suzuki Raider motorcycle, ng Bgy. Ayson, Gerona; at Rachelle Cabanilla, 21, ng Bgy. Sta. Lucia, Capas, Tarlac.

Magkasalungat umanong binabagtas ng dalawang driver ang highway nang aksidenteng magkasalpukan sa Bgy. Aranguren, Capas, Tarlac. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog