LIPA CITY, Batangas - Patay ang suspek sa pagkamatay ng isang pulis at itinuturing ng pulisya na lider ng sindikato ng droga makaraan umanong makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Lipa City, Batangas nitong Sabado.

Dead on arrival sa Lipa City District Hospital si Von Villanueva, tubong Lipa City at residente ng Balayan, Batangas.

Dakong 3:30 ng hapon, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch (PIB), Lipa City Police at Balayan Police sa Barangay Lodlod, Lipa, at nanlaban umano si Villanueva.

Nakarekober ang pulisya sa lugar ng krimen ang isang .45 caliber pistol at mga bala.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon kay Chief Insp. Allan De Castro, hepe ng Balayan Police, may arrest warrant umano si Villanueva para sa pagpatay kay SPO1 Brian De Jesus sa anti-drug operation noong Mayo 2017, at sa isang kaso ng homicide sa Tuy, Batangas. - Lyka Manalo