Ni NITZ MIRALLES

NAMI-MISS nang talaga ng kanyang fans si Kris Aquino dahil nang banggitin niyang she is in a serious talk with Quantum Films para makipag-co-produce ng pelikula, marami agad ang excited. At last, mapapanood na raw uli nila si Kris sa big screen at ang request ng fans, horror ang gawin niyang pelikula

Kris copy

Kung ano ang genre ng pelikula, wala pang maikuwento si Kris dahil hindi pa yata umaabot doon ang usapan nila ng Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso. Ang tila may linaw lang ay baka si Direk Chris Martinez ang director at scriptwriter ng magiging balik-pelikula ni Kris na wish ng kanyang fans, next year na mailabas.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Anyway, nasagot na ang tanong ni Kris kung bibigyan ng chance ang isang “ex.” Tungkol yata ito sa iPhone X dahil sa video niya habang nasa SM Megamall siya, papunta sa Smart. Teaser pa lang ang ipinost ni Kris as of yesterday, hindi pa masyadong malinaw.

Samantala, katsi-check lang namin kahapon sa post ni Kris sa Instagram (IG) tungkol sa ireregalo niyang iPhone X sa masuwerteng follower niya as part of her #Christmaslovelovelove campaign, ‘kaloka, may 621,744 views and likes na ang post. Marami talaga ang gustong magkaroon ng iPhone X.

Sinagot ni Kris ang comment ng isa niyang follower na ironic kung ang mananalo ng iPhone X ay can afford bumili ng nasabing smartphone.

“You know we can’t control destiny -- alam naman ng KCAP I like to reward hard work, determination & a positive life attitude. Regardless of economic status those are qualities/values I give great importance to.”