KIDAPAWAN CITY, North Cotabato – Inaresto ng mga awtoridad ang isang barangay kagawad at isang tanod sa magkasunod na drug raid sa Makilala, North Cotabato, dakong 3:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni Chief Insp. John Rick Medel ang mga nadakip na sina Elmer Petecio, 36, kagawad ng Barangay Guangan, Makilala; at Alvin Nuho, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Guangan.

Narekober umano mula kay Petecio ang aabot sa 15 sachet ng shabu, habang 11 sachet ng shabu at isang hindi lisensiyadong .38 caliber revolver at mga bala naman ang nasamsam mula kay Nuho. - Malu Cadelina Manar

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog