NANATILING malinis ang marka ng reigning titlist San Beda nang bokyain ang Mapua, 10-0, kahapon sa seniors’ division ng 93rd NCAA football tournament sa Rizal Memorial Complex grounds.

Kumana si Mark Anthony Magtoto ng goals sa ika-45, ika-46 at ika76 minuto, habang umeksena sina Adolfo Ababa at Aljo Paul Zabala para sa ikalawang sunod na panalo ng Red Booters. Kinulata nila ang Emilio Aguinaldo Generals , 10-1, sa opening match nitong Biyernes.

Nag-ambag din ng goal sina Jerome Marzan at Jegger Paul Alfuenter.

Kasosyo ng Red Booters ang dating miyembrong La Salle bilang may pinakamaraming seniors title sakaling magtagumpay ngayong taon.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Malinis din ang karta ng St. Benilde sa 2-0 matapos paluhurin ang Perpetual Help, 6-0. Nagwagi ang Blazers sa Mapua Cardinals, 6-0, sa opening game.

Nakabawi naman ang EAC, sa pamamagitan ni Marvin Lianza’, kontra Lyceum of the Philippines University, 1-0.