Ni: Joseph Jubelag

ALABEL, Sarangani – Nagsampa ang pulisya ng kaso ng illegal fishing laban sa apat na mangingisda na naaktuhang ilegal na naghahango sa Sarangani Bay.

Tinukoy ang mga suspek na sina Jekiri Sulaiman, Hussein Esmael, Wanhar Jalipa, at Kimsar Robinsino, na inaresto ng pulisya, habang ilegal na nangingisda sa bayan ng Kiamba.

Sinabi ng pulisya, na inaresto ang mga suspek, na sakay sa commercial fishing boat, dahil ipinagbabawal ang pangingisda sa Kiamba, na malinaw na paglabag sa Philippine Fisheries Code.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Gumamit umano ang mga suspek ng active fishing gear, na ipinagbabawal na gamitin sa loob ng mga municipal waters.

Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek sa himpilan ng Kiamba Police.