Ni: Jun Fabon

Naliligo sa sariling dugo ang isang lalaki nang madiskubre ng mga residente sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police-Station 6, ang biktima na si Jun Manaog, 42, obrero, ng Phase 5, Barangay Commonwealth, Quezon City.

Nadiskubre ang bangkay ni Manaog sa loob ng pampasaherong jeep (TTG- 832) na nakaparada sa gilid ng MRB, Phase 5, Bgy. Commonwealth, bandang 6:30 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad itong ini-report ng mga residente sa barangay at sa QCPD-PS6.

Ayon sa awtoridad, sa ibang lugar binaril ang biktima at iniwan lamang sa jeep.