Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY – Tinangay ng mga kawatan ang mga bagong tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Barangay Capt. Pepe sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng tanghali.

Sa ulat ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, sa tanggapan ni Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Eliseo T. Tanding, ang napagnakawan ay ang Blue-kindle Enterprise ni Emerson Dizon Liwag, 34, residente ng Bgy. Mabini Extension sa siyudad.

Nabatid na dakong 12:20 ng tanghali nang natuklasan ang pagnanakaw ng mga hindi nakilalang salarin.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sampung bagong tangke ng LPG ang natangay ng mga suspek, na nagkakahalagang P24,710, gayundin ang ilang mahahalagang gamit.