RIYADH (AFP/REUTERS) – Inaresto ng Saudi Arabia ang 11 prinsipe, kabilang ang isang prominenteng bilyonaryo, at ilan dosenang kasalukuyan at dating minister, ayon sa mga ulat, sa malawakang crackdown para palakasin ang kapangyarihan ng batang crown prince.

Kasabay nito, pinalitan din ang pinuno ng Saudi National Guard na si Prince Miteb bin Abdullah, anak ng namayapang si King Abdullah at dating contender sa trono, si Naval Forces chief Admiral Abdullah Al-Sultan at si Minister of Economy and Planning Adel Fakeih, sa serye ng high-profile na pagsibak na ikinagulat ng kaharian.

Nangyari ang mga ito kasunod ng pagkakatatag sa anti-corruption commission na pinamumunuan ng makapangyarihang si Crown Prince Mohammed bin Salman, sa pamamagitan ng royal decree ni King Salman nitong Sabado ng gabi.

Iniulat ng Saudi-owned Al Arabiya television na inaresto ang mga prinsipe, apat na kasalukuyan at ilan dosenang mga dating minister kasabay ng paglulunsad ng komisyon ng imbestigasyon sa mga lumang kaso gaya ng bahang sumalanta sa Red Sea city ng Jeddah noong 2009.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Kabilang sa mga inaresto ang bilyonaryo at maimpluwensiyang si Prince Al-Waleed bin Talal.

Sinabi ng Saudi Press Agency na layunin ng komisyon na ‘’preserve public money, punish corrupt people and those who exploit their positions’’.