TARLAC CITY – Napaulat na isang 13-anyos na babaeng out-of-school youth ang ginahasa matapos lasingin sa Sitio Paroba II, Barangay Carangian, Tarlac City, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Bryan Lumabas, 26, construction worker, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Marie Larmalyn Nuñez, inutusan umano ni Lumabas ang dalagita na bumili ng dalawang bote ng alak sa tindahan, subalit nang nasa kuwarto na ang biktima ay puwersahan umano itong pinainom ng suspek.

Sinabihan din umano ng suspek ang dalagita na magtungo sa abandonadong bahay dahil may sasabihin siya mahalagang bagay, pero hinalay niya umano roon ang biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kaagad na nagsumbong ang dalagita sa kanyang lola, na nag-report naman sa pulisya. - Leandro Alborote