Ni: Light A. Nolasco

SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Dalawang truck helper ang naaresto ng anti-illegal drugs unit ng San Antonio Police makaraang maaktuhan sa pagbatak ng ipinagbabawal na gamot matapos ikasa ang operasyon sa loob mismo ng trucking compound nitong Linggo ng umaga, sa Barangay Hulo sa San Antonio, Nueva Ecija.

Kinilala ni Supt. Marlon Cudal, hepe ng San Antonio Police, ang dalawang inaresto na sina Roger Padaca y Termo, 41, ng Bgy. Asan Norte, Sison, Pangasinan; at Lynygrd y Bacagay, 29, ngBgy. Macapsing, Rizal, Nueva Ecija.

Natutop ang dalawa nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa umano'y pot session sa garahe ng isang trucking company dakong 12:15 ng tanghali.

Probinsya

PCG personnel, kasama sa mga nasawing biktima sa SCTEX road crash; naulila ang 2-anyos na anak

Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang isinampa sa mga suspek.