SI Mariah Carey ang pinakahuling celebrity na ninakawan sa bahay.

Iniulat ng tagapagsalita ng Los Angeles Police Department sa ET na rumesponde ang pulisya sa isang tawag nitong Huwebes hinggil sa pagnanakaw sa naganap bandang 10:00 ng gabi hanggang 7:00 ng umaga.

Mariah Carey
Mariah Carey
Hindi pa kinukumpirma ng LAPD na bahay ni Carey ang pinasok ng kawaran, at hindi rin sila nagbigay ng iba pang detalye hinggil sa inisdente. “The suspect entered the location through a window and took items from the residence,” lahad ng tagapagsalita.

“The burglar report was taken and this is an ongoing investigation.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Wala pang naaarestong suspek sa pagnanakaw.

Kinumpirma ng TMZ na bahay nga ni Carey ang ninakawan at umaabot sa $50,000 halaga ng alahas, wallet at sunglasses ang tinangay ng magnanakaw.

Ibinalita ng website na walang tao sa bahay nang maganap ang pagnanakaw, dahil nasa New York City ang 47 taong gulang na singer.

Hindi lamang ang bahay ni Carey ang pinasok at ninakawan nitong mga nakaraang buwan sa California, kaya marami ang naniniwala na may Bling Ring sa lugar. Maging ang mga bahay nina Hillary Duff, Drake at Kendall Jenner ay nilooban din ngayong taon, ganoon din ang bahay ni Kevin Hart nitong Hunyo. Noong Pebrero, hinalughog din ng kawatan ang bahay ni Nicki Minaj at tinatayang umabot sa $175,000 halaga ng alahas ang natangay. - Entertainment Tonight