NI: Fer Taboy

Patay ang isang Indian at isang Pinoy makaraang magduwelo sa Bacolod City, Negros Occidental, nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat ng Bacolod City Police Office (BCPO), kapwa wala nang buhay nang isugod sa ospital sina Sulakhan Singh, Indian, ng Stone Heaven, Barangay Granada, Bacolod; at Bertito Hersaba, dahil sa mga tama ng bala.

Nagduwelo umano ang dalawa sa Bgy. Granada sa Bacolod City, pasado 7:00 ng gabi nitong Lunes.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naniningil umano ng pautang si Singh, kasama ang kanyang asawa nang hinabol ni Hersaba ang ginang, na sinaklolohan ni Singh.

Nagpaputok umano si Hersaba na tumama kay Singh kaya ginantihan ito ng putok ng Indian.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang ugat ng krimen.