Ni: Fer Taboy

Upang mas matutukan ang seguridad ng mga pasahero, naglagay ang Philippine National Police (PNP) ng mga police assistance desk sa lahat ng istasyon ng Light Rail Transit (LRT)-2.

Sa pamamagitan ng memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan nina PNP chief Director General Ronald Dela Rosa at LRTA Administrator Reynaldo Berroya, napagkasunduan na mas paiigtingin ang impormasyon kung paano maiiwasan ng mga pasahero ang krimen.

Magbubukas naman ng mga PNP Women’s Desk sa mga istasyon ng LRT-2 sa Santolan, Cubao, at Recto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay Berroya, umaasa sila na sa kanilang pakikipagtulungan sa PNP ay mapaiigting ang police visibility sa LRT-2.