Ni: Jun Fabon
Nagdeklara kahapon ng state of calamity ang bayan ng Carles sa Iloilo dahil sa red tide.
Kasabay ng deklarasyon ng state of calamity na nakarating sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nabatid na kaagad pinagtibay kahapon ang resolusyon hinggil dito.
Iniulat na apektado na ang kabuhayan at seguridad sa pagkain sa Carles dahil sa red tide na tumama sa apat na barangay sa Isla Gigantes.
Nabatid na apektado ng red tide ang mga barangay ng Granada, Asluman, Gabi, at Lantangan sa isla.
Pangingisda at pangunguha ng shellfish ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Carles, kaya naman tinulungan na ng pamahalaang panglalawigan ng Iloilo ang nasa 360 pamilyang apektado.