Ni REGGEE BONOAN

SERYOSONG pinag-uusapan sa isang showbiz event ng ilang entertainment editors at TV host ang tungkol sa isang aktor na kontrobersiyal ngayon. Tinanong kami ng TV host kung may alam kami tungkol sa lagay ng kontrobersiyal na aktor sa network na pinaglilingkuran niya at sinagot namin kaagad ng, ‘wala po.’

“Nakausap ko siya (kontrobersiyal na aktor) recently, sabi niya naka-hang daw siya ngayon kasi hindi pa siya nire-renew (ng network),” kuwento ng TV host. Hirit ng isang katoto,

“Baka inaayos pa ang kontrata kaya wala pa, usually naman ganu’n, di ba?” “Nagtataka siya kasi halos lahat ni-renew na ‘tapos ‘yung iba, bago pa mag-expire ang kontrata nila, may offer to renew na kaya nagtataka si ____ ____ (kontrobersiyal na aktor) bakit walang offer sa kanya,” kuwento ulit ng TV host. Sundot ng isang katoto, “Kaya nagpapapansin siya ngayon para mapansin siya? Kung anu-ano posts niya sa social media account niya. Eh, baka tuluyan na siyang hindi i-renew ‘pag ganyan siya.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakisali sa kuwentuhan ang isang talent manager cum producer, “Opinyon ko lang, ha? Kung pasaway, all my talents they know this, if they’re pasaway na, goodbye na. Okay lang maski wala ako kikitain kung bibigyan mo naman ako ng sakit ng ulo, eh, ‘wag na.

Hindi naman puro pera lang, sa edad natin ngayon ayaw na natin ng stress.” Sabi namin, baka nga inaayos pa ang kontrata at ini-evaluate pa kung ano ang io-offer kasi nga magaling naman ang kontrobersiyal na aktor at isa ito sa money-maker ng TV network.