Ni: Orly L. Barcala

Duguan ang isang binatilyo at ang kasama nitong jeepney driver nang pagtripan at pagsasaksakin ng apat na lalaki na umano’y bangag sa droga sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Isinugod sa Navotas City Hospital si Cezar Labe, 22, ng No. 232 B. Cruz Street, Barangay Longos ng nasabing lungsod habang dinala naman sa Tondo Medical Center si Grant Nathan, 16, na kapwa nagtamo ng saksak sa likod.

Sa report kay Police Supt. Ferdinand Balgoa, deputy chief of police for operation ng Navotas Police, naganap ang pananaksak sa kahabaan ng M. Naval St., Navotas City, dakong 1:30 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagsapit sa tapat ng San Roque Church, sinalubong sila ng apat na lalaki at sila ay pinagsasaksak.

“Nang-trip lang daw ‘yung mga suspek, kasi wala namang kagalit ang mga biktima na gagawa sa kanila ng ganoon,” ani Balgoa.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.