Ni: Lyka Manalo

MALVAR, Batangas - Naaresto ng mga awtoridad ang sinasabing suspek sa pagpatay sa isang 21-anyos na babae na kamakailan ay natagpuang tadtad ng saksak sa Malvar, Batangas.

Ayon kay Chief Insp. Arwin “Baby” Caimbon, hepe ng Malvar Police, kinasuhan ng murder sa Malvar Prosecutors’ Office si Alvin Baro, na naaresto sa San Mateo, Rizal.

Matatandaang Setyembre 11 nang matagpuan sa damuhan ng Malvar-Balete Provincial Road sa Barangay Bulihan ang bangkay ni Jhoan Patnon, production crew ng CDO Foodsphee Inc., na tubong Occidental Mindoro.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Huli umanong nakitang nakikipagtalo ang biktima kay Baro, na dati niyang live-in partner noong gabi bago natagpuan ang bangkay.

Sinasabing nakikipagbalikan ang suspek sa biktima subalit hindi pumayag ang huli dahil may bago na itong nobyo, ayon kay Chief Insp. Caimbon.