Sloane Stephens (Chris Trotman/Getty Images for USTA/AFP)
Sloane Stephens (Chris Trotman/Getty Images for USTA/AFP)

NEW YORK (AP) — Dumaan sa butas ng karayom si Sloane Stephens para makarating sa championship match. Sa isang iglap, nagdiwang ang 24-anyos tangan ang pamasong US Open title – sa magaan na pamamaraan.

Mistulang baka; sa katatagan ng kumpiyansa ni Stephens para gapiin ang kababayang si Madison Keys, 6-3, 6-0, para angkinin ang unang career Grand Slam title nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa pamosong Flushing Meadows.

“I should just retire now,” pabirong pahayag ni Stephens. “I told Maddie I’m never going to be able to top this. I mean, talk about a comeback.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinanghal ang 83rd-ranked na si Stephens, ginapi ang seven-time Grand Slam champion na si Venus Williams sa semifinals, bilang ikalawang unseeded woman na nagwagi sa torneo sa Open era na nagsimula noong 1968.

Sa nakalipas na season, nagkasya lamang siya na maging bahagi ng crowd nang magtamo ng injury sa paa. Sumailalim siya sa operasyon nitong Enero at nagbalik aksiyon nitong Hulyo sa Wimbledon kung saan sibak siya sa unang round pa lamang.

Nabigo rin siya sa ikalawang sabak sa Tour at bago ang US Open tangan niya ang 15-2 marka, sapat para malaglag siya sa labas ng 900th ranking. Nitong Lunes, nakuha niya ang No.20 at ang hindi matatawarang titulo – Grand Slam champion.

“I mean, things just have to come together,” sambit ni Stephens. “and the last six weeks, five weeks, they really have.”

Ito ang ikalawang pagkakataon sa kasaysayan ng Open era na parehong unang sabak sa Grand Slam finals ang nagtunggali sa Finals.

Malapit na magkaibigin sina Keys, 22, at Stephens, 24. Naging madalas ang kanilang pag-uusap nang kapwa sila hindi makalaro sa Australian Open bunsod ng injury.

“Sloane is truly one of my favorite people and to get to play her was really special. Obviously I didn’t play my best tennis today and was disappointed,” sambit ni Keys. “But Sloane, being the great friend that she is, was very supportive. And if there’s someone I have to lose to today, I’m glad it’s her.”

Naiuwi ni Stephens ang US$3.7 million winner’s check.

“That’s a lot of money!” aniya.