Ni: Bella Gamotea

Nasa kustodiya ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang binatilyo na kapwa itinuturong gumahasa sa 15-anyos na babae na kanilang nilasing sa Pateros, kahapon ng madaling araw.

Idiniretso sa DSWD sina alyas Bogul, 17; alyas Shan, 16, ng Santo Rosario, Barangay Kanluran ng nasabing munisipalidad matapos umanong halayin si alyas Juvy, ng Bgy. East Rembo, Makati City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pateros Police Station, naganap ang pang-aabuso sa isang bahay sa M.R. Flores Street, Sto. Rosario, Bgy. Kanluran, dakong 1:00 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Una rito, niyaya ng mga suspek ang biktima na uminom ng alak.

Nalasing ang dalaga at sinamantala ng mga suspek ang pagkakataon.

Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang at humingi ng tulong sa awtoridad hanggang sa naaresto ang mga binatilyo sa follow-up operation.