NI: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Nakabalot ng packaging tape at may takip na tela sa bibig nang matagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Batangas City.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 3:30 ng umaga nitong Miyerkules nang matagpuan ang bangkay na nasa 30-35 ang edad, 5” ang taas, may tattoo na 'Rubyrose 21' sa kanang balikat, nakasuot ng gray striped shirt at asul na joggerpants.

May tama ng bala ng baril sa itaas ng labi at nakagapos ang kamay at paa ng packaging tape ng biktima nang matagpuan sa Sitio Looban, Barangay Balagtas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakarekober ang pulisya ng mga basyo ng bala ng .9mm caliber pistol sa crime scene habang iniimbestigahan pa ang krimen.