Ni: Erik Espina

MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbunyag na posibleng pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang natikman ng teroristang New People’s Army sa ilalim ng sinipang kalihim nito— si Judy Taguiwalo.

Nangangamba ang Pangulo na napunta sa pag-aangkat ng bala at armas ang tinukoy na 4Ps (Pantawid Pamilya Pilipino Program), na ang huling budget ay umabot sa P72 bilyon. Tulong-pinansiyal sa pinakakapos sa ating lipunan upang ang mga anak ay makapagpatuloy sa pag-aaral.

Ang pagkasangkapan sa 4Ps ng “maka-kaliwang” kalihim ay nasipat ng Commission on Appointments (CA) kaya pinatid ang kumpirmasyon sa DSWD. Ang Department of Agrarian Reform (DAR), sa ilalim ni Rafael Mariano, ang susuong sa muling pagsusuri ng CA.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Dapat kalkalin at imbestigahan ng CA ang napapabalitang pag-abuso ni Mariano sa kumpiyansa ni DU30 dahil lumilitaw na ang namamantikaan sa lupang agraryo ay mga nagpalista at kasapi ng aktibistang NGOs, People’s Organization at frente ng kaliwa upang maipamalas na kung sasapi o tutulong sa mga komunista, masasabuyan ka ng lupa. Hindi mahalaga kay Mariano ang “lumad na magsasaka” sa lupang ipinapamahagi. Ang importante kung “kapatid” o “kasama” na walang lupa.

Ibig sabihin, ang programang pang-agraryo ay dumausdos sa “land for the landless” at hindi sa “land for the tillers”.

Mas prayoridad ang hanay militante kaysa totoong mga “lumad na famers” sa lupaing pinaghahatihan. Inuuna ni Mariano ang grupo ng “Kilusang Magbubukid ng Pilipinas” atbp., sa halip na mga lehitimong magsasaka. At kahit nagbabayad ka pa ng “property tax” sa pamahalaan, basta na lang marahas na pinapasok ng ganitong grupo ang lupa ng may lupa. May basbas kasi sa tanggapan ng kalihim. Saan ka naman nakakita na pati mga legal na nagmamay-ari ng mga fishpond, binabantaan at inaangkin ang bangus at tilapia... sa Agrarian Reform?! Magugunita ang kurapsiyon ng DAR sa pondo nito. Sabwatang DAR, NGO, Karapatan, upang mag-udyok ng kaguluhan sa kanayunan. Nilalanse ang mga foundation sa abroad na nagbibitiw ng 500 Euros sa NGO sa bawat nabibigyan ng lupa.

Kung ang susunod na bakbakan, ayon ni Pangulong Duterte, pagkatapos ng Marawi ay CPP-NPA, ngayon pa lang tadyakan na ng CA si Mariano. Tulungan natin ang Pamahalaan ni Digong!