Ni: Bella Gamotea

Arestado ang isang babaeng negosyante sa kasong 36 counts of estafa sa Makati City kamakalawa.

Kasalukuyang nakakulong sa Makati City Police si Ma. Celeste Mercado y Daite, 40, ng Barangay San Juan, Sto. Tomas, Batangas.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), inaresto si Mercado ng mga tauhan ng Warrant Section ng Makati City Police, sa pangunguna ni Sr. Insp. Ronald Saquilayan, sa kanyang bahay, bandang 9:00 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 139 Judge Benjamin Pozon, naging matagumpay ang pag-aresto kay Mercado.

Nasa P786,000 ang kabuuang halaga ng piyansang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.