Phoenix's Karl Dehesa drives to the basket against Star Hotshots' Mark Barroca during the PBA Governors' Cup at MOA Arena in Pasay, August 23, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)
Phoenix's Karl Dehesa drives to the basket against Star Hotshots' Mark Barroca during the PBA Governors' Cup at MOA Arena in Pasay, August 23, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

TINANGHAL na PBA Press Corps Player of the Week si Chris Tiu.

Malaki ang naitulong ng beteranong forward sa back-to-back win ng Rain or Shine sa Governor’s Cup.

Ginapi niya sa parangal para sa kabuuang linggo ng Aug. 13-20 ang kasangga na sina Jericho Cruz at Beau Belga, Meralco’s Garvo Lanete, Blackwater playmaker Roi Sumang, GlobalPort’s Stanley Pringle at NLEX’s Kevin Alas.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nagkukumahog ang Rain or Shine bunsod nang pagbabagong ginawa sa sistema ng management, kabilang ang ilang krusyal na trade, tampok ang pagpapakawala kay long-time resident gunner Jeff Chan sa Phoenix kapalit ni Mark Borboran.

Hindi rin nakalaro sa Elasto Painters sina ace defender Gabe Norwood at Raymond Almazan, kapwa sumabak sa Gilas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

Sa pagkawala ng dalawa, rumatsada si Tiu para kay coach Caloy Garcia sa naitalang averaged 9.5 puntos, 5.0 rebounds at 7.0 assists mula sa bench.

Laban sa Kia na ginapi ng Elasto Painters, 94-86, kumana ang 32-anyos na si Tiu ng 13 puntos, tampok ang tatlong three-pointers.