Ni NITZ MIRALLES

KAHIT may mga nagpayo kay Marian Rivera na huwag pansinin ang parody account na gamit ang pangalan niyang Marian Rivera-Dantes at Twitter handle na @superstarmarian, kinailangan niyang manawagan sa publiko para maipaalam na hindi sa kanya ang naturang account.

mARIAN copy copy

May mga nag-akala kasi na siya ang nag-tweet ng “U warned us there will be blood. So pde ba ung 16 million lang na bumoto sa ‘yo ang patayn mo? Because the rest of us didn’t sign up for this.”

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Na-bash si Marian sa Facebook ng mga gullible netizens na nag-akalang siya ang nag-tweet na patungkol kay President Rodrigo Duterte at sa kampanya nito sa droga na marami ang namamatay.

Kahit nakalagay ang “parody account,” marami ang napapaniwala na si Marian mismo ang nasa likod ng @superstarmarian ay Marian Rivera-Dantes sa Twitter. Nakakatakot dahil baka personalin ng ilang maka-Duterte ang tweet at gantihan si Marian at ang pamilya niya. Kaya kinailangan niyang manawagan at ipaaalam na hindi sa kanya ang Twitter account.

“FYI: Wala po akong Twitter account, hindi po ako si “superstarmarian” sa twitter at hindi ko rin kilala ang taong nasa likod nito. At sana tumigil na ang ganitong mga account na gumagamit sa panganan ng ibang tao.”

Nilinaw din ni Marian ang tungkol sa inakalang siya ang nag-paint ng isang babaeng kapareho ng painting ni Heart Evangelista. Na-bash na naman si Marian dahil gaya-gaya raw siya kay Heart. Kaya may disclaimer siyang, “Ang galing ko naman kung ako ang nag paint niyan! Hindi ko kaya yan lol!” at sinundan ng “Basta dun tayo sa makakatulong sa iba yun ang mahalaga.”

May paintings si Marian na kasali sa exhibit, painting ng flowers, ipinost niya sa IG at nilagyan ng caption na, “I am humble to be included in the exhibit for a cause entitled ‘I Am Super: An Art Exhibit for Resilience.’ It’s an honor to work alongside notable artists such as Mark Padernal and Carlo Saavadra. Thank you for giving me the opportunity to help the youth in my own small way.”

Mula August 21 hanggang Aug. 27 ang exhibit sa G/F Newport Mall Resorts World Manila. Ang Yes Pinoy Foundation na pinamumunuan ni Dingdong Dantes ang nasa likod ng painting exhibit at kasama sa 8th year anniversary ng Yes Pinoy Foundation.

Samantala, kung tama ang aming bilang, sa third week ng September na ang pilot airing ng Super Ma’am, ang bagong teleserye ni Marian. Role ng isang teacher na may power ang kanyang gagampanan sa direction ito ni LA Madridejos at makakapareha ni Marian ang Fil-AM na si Matthias Rhoads.