ni Bert de Guzman

Idedeklara bilang National Technical-Vocational Day ang Agosto 25 ng bawat taon bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng tech-voc workers sa ekonomiya ng bansa.

Pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 6136 o National Technical-Vocational Day tuwing Agosto 25.

Sinabi ni CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna, isa sa mga may akda ng HB 6136, na sa nakalipas na anim na taon, mahigit sa 10,000 Pilipino ang nagtapos ng iba’t ibang tech-voc courses, karamihan ay nakapagtrabaho sa ibang bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Today, tech-voc education is recognized as an important pillar in the country’s overall human resources development strategy because it is rapid, flexible, jobs-oriented, competency-based, and can easily lead people to find fulfillment,” ani Tugna.