Ni Edwin G. Rollon

2019 SEAG hosting, kinatigan ni Digong; Sec. Cayetano, itinalagang PhilSOC Chairman.

ISINANTABI ng Malacanang ang agam-agam hingil sa aspeto ng seguridad at kakailanganing pondo para manaig ang hangaring maipakita sa rehiyon – maging sa buong mundo ang tunay na katatagan ng bansa gayundin ang mapataas ang morale ng mga atleta Pinoy – sa desisyon na maituloy ang hosting ng 30th Southeast Asian Games sa 2019.

seag copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“How importante this for the country? After the meeting with the Cabinet cluster, everybody believed that hosting the Sea Games in 2019 is important for the athletes and for the country,” sambit ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“So when Sec. Bong Go asked me the possibility to host the Games, I said yes, we can,” aniya.

Bilang panimula para sa paghahanda sa hosting, itinalaga ng Malacanang si Department of Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano bilang Chairman ng Philippine Sea Games Organizing Committee (PhilSOC).

Naging opisyal ang pagkakatalaga ni Cayetano nang ipagkaloob ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojungco ang ‘appointment paper’ sa isinagawang media conference Huwebes ng umaga sa Marriott Hotel sa Pasay City.

Pinilitan niya si Senador Migs Zubiri, na naunang itinalaga nang simulan ng PSC ang proseso para sa hosting. Ngunit, matapos maganap ang kaguluhan sa Marawi City at inisyal na maipahayag ng Malacanang ang alinlangan para dito, ang lahat ng plano ay nabitin.

“At first, talagang naka-focus kasi tayo sa Marawi incident. Although we successfully hosting the ASEAN meeting, iba itong SEAG dahil libo-libo ang participants – athletes and even tourist,” pahayag ni Cayetano.

“After discussing the situation and deliberation about the pros and cons for the hosting, we are united sa isyu na mas malaki ang maitutulong ng hosting. Alam naman natin na pag ang Pilipino ang magbebenepisyo gusto ‘yan ng Pangulong Duterte,” aniya.

Pormal na idedeklara ni Cojuangco ang kahandaan ng bansa na maging host sa gaganaping SEAG Federation meeting sa opening ceremony ng 29th SEAG sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Sabado.

Bilang host country, awtomatikong mahihirang si Cojuangco, nasa ikaapat na termino bilang pinuno ng Olympic body, bilang Pangulo ng SEAG Federation Council.

“The SEAG is not only for Sec. Cayetano or Ramirez, this is for the whole country,” ayon kay Cojuangco.

Iginiit ni Ramirez na nakabitin pa ang lahat sa aspeto ng organization ng PhilSOC, ngunit, nakatuon na ang kanilang atensyon sa Philippine Arena sa Bulacan, gayundin sa Clark Freeport sa Pampanga at Zambales bilang satellite venues.

“Depende sa magiging development sa Mindanao, we can consider the province and the Visayas particularly Cebu as satellite venue,” sambit ni Ramirez.

“Mag-uusap-usap pa kami after ng KL SEAG. But, right now what we can assure that budget for the rehabilitation and construction of venues is not a problem,” aniya.

Iginiit ni Cayetano na may dalawang taon pa para makapaghanda.

“We are up to the challenge. We have two years to do it. Preparation na rin natin ito para sa mga atleta for the 2020 Tokyo Olympics,” ayon kay Cayetano.