ni Mary Ann Santiago

Isang babaeng drug suspect, na nakapiit sa Manila Police District (MPD), ang nasawi matapos lumala ang kanyang tuberculosis (TB) sa Sta. Mesa, Maynila kahapon.

Nalagutan ng hininga si Day Ann Sabuero, 28, ng 4856 Interior 7, San Vicente Street, Old Sta. Mesa, habang nilalapatan ng lunas sa San Lazaro Hospital dahil sa sakit na “pulmonary tuberculosis”.

Ayon kay PO3 Ryan Jay D. Balagtas, imbestigador ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), idineklarang patay ang biktima sa TB ward ng nasabing ospital, dakong 5:32 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Sabuero ay naharap sa kasong paglabag sa Section 11 (illegal possession) ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.