ni Beth Camia

Kumikilos na ang pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpatay sa dating mamamahayag at sa kapatid nito sa San Juan City kamakalawa.

Una nang inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang NBI na magsagawa ng parallel investigation sa pagpatay kina Michael at Christopher Marasigan, base na rin sa inilabas na Department Order 515 ng kalihim.

Pinagbabaril ng riding-in-tandem ang magkapatid, na kapwa nakasakay sa Mazda (WOU-583), sa Barcelona Street, Barangay Sta. Lucia noong Agosto 3.

National

VP Sara sa pagbuwelta sa kaniya ni PBBM: ‘Papalagan ko rin ginagawa nila sa’kin!’