Tinutugis ngayon ng pulisya ang isang ama na tumaga sa sarili niyang anak na lalaki sa loob ng kanilang pagtatalo sa loob ng ambulansiya sa Calabanga, Camarines Sur.

Ayon sa Calabanga Municipal Police, pinaghahanap nila ang suspek na kinilalang si Domingo Alcantara.

Batay sa pahayag ni PO3 Ridgel Padre, tagapagsalita ng Calabanga Policem nagpapatuloy ang kanilang hot pursuit operations laban sa suspek upang papanagutin ito sa pananaga sa anak na si Domingo Alcantara, Jr.

Sinabi ni PO3 Padre na nasa loob ng ambulansiya ang mag-ama kasama ang asawa ni Domingo Jr. nang mag-away umano ang mag-asawa.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Hanggang umabot sa punto na sinaktan ni Domingo Jr. ang asawa na nakita ng suspek, kaya sinugod niya ang anak at pinagtataga.

Duguang humandusay ang biktima at mabilis na isinugod sa ospital habang nakatakas naman ang suspek.

Nagtamo ng sugat sa likod ang nakababatang Alcantara, na ligtas na ang lagay. - Fer Taboy