NI: Leo P. Diaz

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Bagamat aminado umano sa pagiging kilabot na kawatan sa mga boarding house sa Sultan Kudarat, mariin namang itinatanggi ng isang lalaking naaresto sa buy-bust operation na sa kanya ang nasamsam na droga sa Barangay Poblasyon sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Tacurong City Police, dakong 6:40 ng gabi nang ikasa ng mga awtoridad ang buy-bust laban kay Abdul Kusain y Majid, 23, binata, walang hanapbuhay, ng Bgy. Edtig, General SK Pendatun sa Maguindanao.

Nakuha umano mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu, at isang improvised na bali-baling pistola na may isang bala ng M16 armalite.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog