Ni: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Paiigtingin ng Verde Island Sanctuary Management Board (VISMB) at ng lokal na pamahalaan ng Batangas City ang kampanya laban sa ilegal at unregulated na pangingisda sa Isla Verde.

Ayon kay Angela Banuelos, ng City Public Information Office, tututukan ng board ang laganap na paggamit ng compressor sa pangingisda, na nakakasira ng corrals, at ang aquarium fishing.

Isang ordinansa ang hihilinging maipasa sa Sangguniang Panlungsod (SP) upang ipagbawal ang paggamit ng compressor sa pangingsida.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Aaksyunan din ang mga problema sa enforcement, gaya ng kawalan ng koordinasyon ng mga Bantay Dagat at ng barangay, mga hindi na aktibong Bantay Dagat, at ang kakulangan sa logistical support tulad ng petrolyo, pagkain, kagamitan, Global Positioning System (GPS), at iba pa.