Ni: Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac - Isang naaagnas na sanggol, na pinaniniwalaang biktima ng aborsiyon, ang natagpuan sa masukal na bahagi ng Purok 6 sa Barangay San Juan De Valdez, San Jose, Tarlac, kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ni PO2 Wilfredo Lanuza, Jr., nakabalot pa ang sanggol sa duguang lampin.

Nakalagak ngayon ang sanggol sa Castillo Funeral Parlor sa Bgy. Lawacamulag, San Jose, Tarlac.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog