NAKOPO ni Perlas BanKo's middle blocker Kathy Bersola ang ikalawang Philips Gold-Premier Volleyball League (PVL) Press Corps Player of the Week.

Pinangunahan ni Bersola ang Perlas sa 14 puntos, tampok ang limang blocks para sandigan ang Perlas laban sa kanyang alma mater UP Lady Maroons, 30-28, 21-25, 25-21, 25-18, nitong Miyerkules at kumana ng career-high 24 puntos sa 24-26, 13-25, 25-13, 25-22, 15-11 desisyon laban sa Bali Pure para makopo ang solong ikaapat na puesto (3-3).

"Binigay lang talaga sa akin ng teammates ko 'yung pagkakataon na maka-score," sambit ni Bersola. "Siguro I took advantage na din sa mga ginagawa ng kalaban. We needed this win so everybody had to do their part. I just tried to do my best."

Ginapi ni Bersola sa parangal sina Perlas-BanKo teammate Nicole Tiamzon, bumida rin sa huling dalawang panalo ng koponan, at Creamline Cool Smasher Rose Marie Vargas.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nasa ikalima ang 5-foot-11 middle blocker para sa Best Blocker tampok ang 13 kill blocks, habang ika-16 sa scoring na may kabuuang 64 puntos.

Target ng Perlas, nagmintis sa kampanyang makarating sa semifinal sa nakalipas na conference, na makasiguro ng playoff sa pakikipagharap sa Creamline sa huling araw ng elimination round sa Hulyo 30.

"We were talking and sinabi namin na we needed to perform better this conference," sambit ni Bersola. "It's a lot about pride as players for us na we just can't let ourselves lose. Kailangan namin ipakita 'yung palaban namin na attitude."