Ni: Orly L. Barcala

Natapos na ang dalawang taong pagtatago ng isang construction worker, na akusado sa rape at most wanted sa kanilang lugar, makaraan siyang maaresto sa Navotas City, nitong Linggo ng hapon.

Batay sa record ng Navotas Police, kinasuhan ng rape si Jake Cayetano, 22, ng Marcelo Street, Barangay NBBS, sa panghahalay umano sa kanyang kapitbahay noong 2015, at nagtago na mula noon.

Kuwento ni SPO1 Normito Tapon, ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas Police, bandang 2:00 ng hapon nang makatanggap sila ng impormasyon na nakita sa lugar ang suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pang-apat si Cayetano sa top 20 most wanted sa Navotas.